Namayani pa rin ang all-around game ni Giannis Antetokounmpo upang ilampaso ng NBA-leading Milwaukee Bucks ang New Orleans, 120-108.

-- Advertisement --

Hindi rin umubra sa kanilang unang face-off ni Giannis ang tinaguriang rookie sensation na si Zion Williamson.

Nagtapos si Antetokounmpo sa 34 points at 17 rebounds habang nagkasya naman si Zion sa 20 points.

Humanga si Williamson kay Giannis, na ayon sa kanya tama lamang daw na tanghaling dating MVP.

Sa ngayon ay nasa 43-7 na ang record ng Bucks habang 20-31 naman ang kartada ng Pelicans.