Sinibak ng Germany ang dalawang Russian ambassador nito.

Ito ay dahil sa inakusahan ang mga ito ng nasa likod ng pagpatay sa dating Chechen rebel commander noong Agosto.

Si Zelimkhan Khangoshvili ay binaril sa ulo habang ito ay nasa Kleiner Tiergarten park.

Inihalintulad ang atake sa tangkang pagpatay sa Russian intelligence agent na si Sergei Skripal at anak nito noong 2018 habang sila ay nasa United Kingdom.

Mariing itinanggi naman ng Russia ang akusasyon na sila ang nasa likod ng pagpatay.