-- Advertisements --

Nagkumahog ang airforce ng Germany matapos ang pagpapalipad ng Russia ng mga fighter jets sa Baltic Sea.

Ayon sa German Air force na mayroon silang ipinadalang dalawang Eurofighter jets para i-monitor ang paggalaw ng Russian reconnaissance aircraft na nakapasok sa neutral airspace sa Baltic Sea.

Kasama nila ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) para imbestigahan ang Russian IL-20M na lumipad lamang na walang plano at radio contact.

Kanilang in-escortan palabas ang eroplano ng Russia.

Nangyari ang insidente ilang araw bago ang gagawing pulong ng North Atlantic Council at tatalakayin nila ang naganap na paglusob ng Russia sa mga airspaces ng Estonia at Romania.