-- Advertisements --

Viral ngayon sa buong mundo ang isang Japanese macaque na pinangalanang Punch-kun o Punch sa Ichikawa City Zoo dahil sa kanyang companion na isang stuffed orangutan.

Napag-alaman na inabandona ng ina nito ang unggoy na isinilang pitong buwan na ang nakalipas, kaya’t agad na inaksyunan ng mga zookeeper ang kanyang sitwasyon.

Ani zookeeper Kosuke Shikano, karaniwan sa mga Japanese baby macaque na dumidikit pa sa kanilang ina para sa kanilang seguridad, at pangangailangan kaya’t iminungkahi ng mga ito na bigyan ng companion ang alagang baby monkey.

Sinubukan pa nga ng mga zookeeper ang iba’t ibang pagpapalit ng stuffed companion ng unggoy, kabilang ang rolled-up towels at iba pang stuffed animals, bago napili ang orange at bug-eyed na orangutan na binebenta ng Swedish furniture brand.

“This stuffed animal has relatively long hair and several easy places to hold,” ani Shikano na translated sa ingles.

“We thought that its resemblance to a monkey might help Punch integrate back into the troop later on, and that’s why we chose it,” dagdag pa nito.

Screengrab from REUTERS/Kim Kyung-Hoon TPX IMAGES OF THE DAY

Sa video na kumalat sa social media madalas na nakikitang dala-dala ni Punch ang stuffed toy kahit mas malaki ito sa kanya, na nagdulot ng tuwa sa mga tagahanga na pumupunta sa zoo at sa mga netizens na naantig sa viral video.

“Seeing Punch on social media, abandoned by his parents but still trying so hard, really moved me,” sabi ni 26-anyos na nurse na si Miyu Igarashi.

Ayon kay Shikano, marahi iniwan si Punch dahil sa matinding init noong Hulyo nang siya ay isinilang.

Hindi naman maiwasan na ma-bully si Punch ng ilang adult monkey simula ng ilipat ito sa zoo para subukang makipag-ugnayan sa kanila, ngunit ayon sa mga zookeeper, bahagi iyon ng proseso ng pagkatuto ni Punch sa mga kalahi nito.

“I think there will come a day when he no longer needs his stuffed toy,” pahayag pa ni Shikano.

Sa kasalukuyan bumuhos ang mga tagahanga ni Punch tulad ng ilang social media personality sa Hollywood kung saan nagpakita ng pag-aalala sa naturang unggoy at interes na bilhin ang unggoy sa Tokyo para maiwasan lang ang pambu-bully na nararanasan nito sa mga nakatatandang unggoy.

Samantala isang Swedish furniture brand din ang nag-bigay ng mga stuffed toy sa naturang zoo.

“A little monkey (Punch-kun) who’s been working hard and growing all by himself has become so beloved that many people now cheer him on with ‘Ganbare Punch-kun!’ when they see him together with his stuffed toy, treating it like his mother,” ayon sa shared post ni Chikawa City Mayor Ko Tanaka sa X (dating Twitter).

screengrab from @ichikawa_shi / X