Matapos ang higit dalawang linggo na malawakang-kilos protesta at panawagan para sa racial justice ay hinatid na sa kaniyang huling hantungan ang African-American na si George Floyd.

Pinuno ng mga kaanak ni Floyd at elected leaders ang private funeral nito na isinagawa sa The Fountain of Praise church sa Houston, Texas.

Inalala si Floyd bilang isang star student-athlete at mabait na haligi ng tahanan. Hindi inaasahan ng lahat na ang pagkamatay nito ay magsisilbing hudyat ng pagbabago sa pakikitungo ng mga pulis sa mga Black Americans.

Kinanta ng singer na si Dray Tate ang kaniyang sariling rendition ng “A Change Is Gonna Come” habang isang artist naman ang nagpinta ng mukha ni Floyd sa isang black canvass gamit ang puting pintura.

Pinangunahan naman ni Rev. Al Sharpton ang eulogy kung saan muli nitong binalikan ang kasaysayan ng mga black Americans na pinatay sa Estados Unidos at naging dahilan upang lumabas ang tunay na kulay ng mga pulitiko at business leaders sa bansa.

“The mother of Trayvon Martin, will you stand? The mother of Eric Garner, will you stand? The sister of Botham Jean, will you stand? The family of Pamela Turner, here in Houston, will you stand? The father of Michael Brown from Ferguson, Mo., will you stand? The father of Ahmaud Arbery, will you stand?”

“All of these families came to stand with this family because they know better than anyone else the pain they will suffer from the loss that they have gone through,” wika ng reverend.

“No child should have to ask the question that too many black children have had to ask for generations: ‘Why? Why is Daddy gone?’ When there is justice for George Floyd, we will truly be on our way to racial justice in America,” saad naman ni Biden.

Samantala, nakatakdang ilatag ni US President Donald Trump ang listahan ng kaniyang police reform proposal na maaaring ipatupad sa pamamagitan ng executive at legislative action.

Ang posibleng executive action na ito ay dadalhin muna sa Justice Department bago ipapatupad ng law enforcement at community leaders.