-- Advertisements --
gensan

GENERAL SANTOS CITY – Humingi ng tawad sa mga overseas Filipino workers (OFW) si General Santos City Mayor Ronnel Rivera dahil sa hindi maayos na pagtanggap sa mga Pinoy nang dumating ng airport sa naturang lungsod.

Wala umanong koordinasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa local government unit (LGU) kayat hindi alam ang pagdating ng mga ito.

Ninilaw din ng alkalde ang paggamit ng lungsod ng cargo truck para sunduin ang mga OFWs dahil ginamit ang ang bus sa pagsundo sa Cagayan de Oro.

Sinabi rin nito na sa pangalawang sweeper flight bus na ang sinakyan ng mga OFWs para ihatid sa quarantine facility.

Siniguro rin nito na negatibo sa ano mang rapid test ang lahat ng mga dumating na OFWs dahil natapos na silang ma-quarantine sa kanilang pinagmulan habang sumailalim sa 14 days quarantine dito sa Pilipinas.

Naramdaman umano ng mayor ang dinaramdam ng mga ito matapos maipit ng dalawang buwan.