-- Advertisements --

ILOILO CITY – Idineklara na ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang 14-day temporary quarantine sa Lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Trenas, sinabi nito na pansamantalang ititigil ang biyahe ng mga barko na dadaong sa pantalan sa lungsod na nagmula sa ibang rehiyon.

Nilinaw naman ng alkalde na hindi sakop ng temporary quarantine ang delivery ng mga cargo.

Tanging mga tao lang na nagmula sa Panay-Guimaras na hindi “person under monitoring” at “person under investigation” ang makakapasok sa lungsod.

Pinalawig din ng alkalde ang suspensyon ng klase sa lahat ng lebel sa lungsod ng Iloilo hanggang sa Abril 14 pero nagbabala sa mga estudyante na kailangang manatili sa kani-kanilang bahay at iwasan ang pagpunta sa mga shopping malls.

Samantala, naglabas ng executive order no. 028-C series of 2020 si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. hinggil sa travel restrictions sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay Defensor, layunin ng executive order na ipatupad ang general community quarantine hanggang Abril 14.

Kabilang sa mga hindi sakop ng travel restriction ang mga sumusunod:

-Government officials at employees nay mayroong official functions

-medical personnel, health workers o humanitarian workers

-residente ng Iloilo City na kailangang pumunta ng lalawigan dahil sa trabaho at;

-returning residents ng lalawigan at lungsod ng Iloilo kung saan hanggang Marso 17 lang sila maaaring maglabas-pasok sa lugar