Inanunsiyo ni Taylor Swift na pag-aari na niya ang buong catalog ng kaniyang musika.
Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang anunsiyo na lahat ng kaniyang mga kanta na ginawa ay pag-aari na niya.
Ang nasabing anunsiyo ay naganap halos anim na taon ng iprotesta niya ang pagbebenta ng kaniyang master recording ng kniyang dating record label.
Bukod aniya sa kanta ay kasama na rito ang buong music videos, concert films, album art, photography at maging ang mga hindi pa nailalabas na mga kanta.
Giit nito na agad niyang binili ito ng walang anumang pag-uusap, partnership, full autonomy mula Shamrock Capital ang private equity company na unang bumili ng kaniyang master recordings.
Itinuturing nito ang pagbili bilang katuparan ng kaniyang pangarap.
Pinasalamatan niya ang Shamrock company na sila pa ang nag-alok sa kaniya para bilhin ang nasabing master recordings.