-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si CIDG Director PMGen. Nicolas Torre bilang susunod na PNP Chief kapalit ni PGen. Nicolas Torre III bilang kapalit ni PGen. Rommel Francisco Marbil na mag retiro na sa serbisyo.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin limang pangalan ang pinagpilian ni Pang. Ferdinand Marcos Jr para maging pinuno ng Pambansang Pulisya, gayunpaman nanaig si Torre.

Si Torre ang kauna-unahang PNPA graduate na maupo bilang PNP chief.

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) 1993.

Sinabi ni Bersamin, ang appointment ni Torre ay batay sa merito at sa kaniyang performance.

Dinipensa naman ng Malakanyang ang pagtatalaga kay PMGen. Torre. Sinabi ni Bersamin na ang ginawang pagpili ay nasa absolute discretion lamang ng presidente ng bansa na wala aniyang pwedeng kumwestyon.

Hindi naman masabi ni Bersamin na ang naging performance ni Torre sa paghuli kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagpili ng Pangulo kay Torre.

Sinabi pa ni Bersamin na lahat ng promosyon ay maituturing na reward, subalit ito aniya ay may katumbas din namang merit.

Ayon kay Bersamin, may iba pa namang konsiderasyon at katangian aniyang ikinonsidera ang pangulo katulad ng taglay din naman ng iba pang contenders sa pwesto.

Si Torre ay may dalawang estrella sa balikat sa ngayon at matatanggap nito ang kaniyang apat na estrella o ang pinakamataas na ranggo sa pnp pagsapit ng turn over ceremony sa June 2, 2025.