-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng mga kumpanya ng langis ng taas-baba sa presyo ng kanilang produktong langis.
Kaninang alas- 6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.10 na taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P0.20 na bawas presyo sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P0.40 na bawas sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na mayroon ilang factors ang naging dahilan gaya ng hindi inasahan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang mataas na demand ng langis at ang pagbaba na ng tensyon dahil sa taripa.