-- Advertisements --

Patay ang nasa 110 katao dahil sa malawakang pagbaha sa central Nigeria.

Ayon sa Niger State Emergency Management Agency (NSEMA) na ang baha mula sa ilang oras na malalakas na pag-ulan.

Nawasak ang nasa 50 kabahayan sa bayan ng Mokwa kung saan ilang pamilya na rin ang inilikas sa nasabing lugar.

Tiniyak naman ni Minister of Information and National Orientation, Mohammed Idris na kanilang pinakikilos ang tulong sa mga naapektuhang residente.