-- Advertisements --

Nagpalipas ng magdamag sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Pasay si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, na kanilang pinagbigyan ang pakiusap nito bilang konsiderasyon dahil sa pagod mula sa biyahe galing sa Timor Leste.

Pasado-alas-12 nitong hatinggabi ng Mayo 30 ng dumating ang dating mambabatas sa NBI.

Sumailalim ito ng pagsusuri ng doctor bago ito kinuhanan ng fingerprints at ilang documentary procedure.

Dumating din sa NBI office ang abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio maging ang ina ng dating mambabatas na si Zenaida Teves.

Ayon kay Atty. Topacio, na labis ang kasabikan ng ina ng dating mambabatas dahil sa mahigit dalawang taon silang hindi nagkita.

Pinuri ni Topacio si NBI Director Jaime Santiago dahil sa pagpayag nito na manatili pansamantala si Teves sa kanilang opisina bago ilipat sa detention facility.

May hakbang din aniya silang ginagawa para depensahan ang mga kasong kinakaharap ng dating mambabatas.

Magugunitang itinuturong utak si Teves sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.