-- Advertisements --

Nailipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si dating congressman Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, na ilalagay muna nila sa kuwarto na mag-isa para masanay na bilang isang detainee.

Giit nito na hindi nila ita-trato bilang VIP ang dating mambabatas at mahigpit na protocols ang kanilang ipapatupad.

Una rito ay sa NBI head office nagpalipas ng gabi si Teves matapos ang pag-turnover sa kaniya ng mga otoridad ng Timor Leste.

Si Teves ay itinuturong mastermind sa pamamaslang kay Governor Roel Degamo.