-- Advertisements --

Pasok na sa PBA Philippine Cup quarterfinals ang Meralco Bolts matapos na talunin nila ang Barangay Ginebra 82-73.

Pinutol ng Bolts ang tatlong sunod na panalo ng Ginebra kung saan mayroon na sila ngayong anim na panalo at limang talo habang ang Gin Kings ay mayroong limang panalo at tatlong talo.

Dahil ito ay kasama na ng Bolts sa quarterfinals ang Magnolia, San Miguel Beermen at Converge.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na mayroong 15 points, anim na rebounds,dalawang assists, dalawang blocks at isang steal habang si Chris Banchero ay mayroong 14 na puntos at apat na rebounds.

Pinuri ni Meralco head coach Luigi Trillo ang kaniyang manlalaro dahil sa hindi pinabayaan na makalamang pa ang Ginebra.

Tinawagan naman ng dalawang technical si Ginebra coach Tim Cone dahil sa palaging pagrereklamo nito sa mga officials ng laro.

Nasayang naman ang nagawang tig-16 points nina Scottie Thompson at Jamie Malonzo.