-- Advertisements --

Mayroon lamang iilang-kandidato na tumakbo sa nagdaang halalan ang naghain ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE).

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco, na inaasahan nila ang pagdami ng mga magsusumit ng kanilang SOCE ilang araw bago ang deadline na Hunyo 11.

Giit nito na lahat ng mga kandidato panalo man o hindi pinalad ay dapat magsumite ng kanilang SOCE.

Nagbabala rin ito na ang mga panalong kandidato na hindi sila makakaupo sa pauwesto kapag hindi nagsumite ng kanilang mga SOCE.