Target ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad na sa buong bansa pagdating ng Hulyo ang mas pinaigting at unified 911 emergency hotline para sa mas maagap na pagresponde ng mga otoridad sa mga sakuna.
Sa isang panayam, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kaipapatupad ang roll out ng programa simula sa mha rehiyon sa National Capital Region (NCR), Calabarzon, Gitnang Luzon, Gitanang Visayas at maging Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mga rehiyon na iyo may mataas na bilang ng mga krimen.
Layon naman nito na maipabatid muli sa publiko na sila ay magiging ligtas dahil sa mas pinalakas na police visibility at maging dahil sa mahusay na koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mga pulis.
Samantala, para sa pagpapatupad nito ay magpapakalat na ang Philippine National Police (PNP) ng mas marami pang kapulisan sa mga komunidad at magtatalaga rin ng mga police post sa ibat ibang lugar na may dinadagsa ng mga tao.