-- Advertisements --
Nagkaroon ng bahagyang phreatic eruption sa main crater ng bulkang Taal mula 9:18 PM hanggang 9:22 PM nitong Mayo 29, 2025.
Ang insidente ay naitala ng thermal camera sa Buco Observation Station (VTBC) at IP camera sa Lower Calauit Observation Station (VTLC).
Lumikha ito ng 1500-metrong taas na plume ng abo na lumipad patungong hilagang-silangan.
Sa kabila ng pagputok, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkang Taal.
Tiniyak naman ng Phivolcs na patuloy na minomonitor ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa paligid.