Bumagsak sa 0.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa first quarter ng 2020.
Ito ay matapos na magpatupad ng lockdown ang pamahalaan dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, kung saan maraming mga negosyo ang nagsara dahilan kung bakit marami rin ang nawalan ng trabaho.
Ito ang pinaka-unang pagkakataon na bumagsak ng husto ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na 22 taon magmula nang magkaroon ng Asian financial crisis noong 1998.
vc: kaugnay niyan narito ang bahagi ng pahayag ni PSA National Statistician at Civil Registral General Claire Dennis Mapa
Nauna nang sinabi ng mga economic managers na inaasahan na nila ang “zero growth” scenario para ngayong 2020.
Malabo na anilang makamit ang target na 6.5-7.5 percent growth target ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 crisis sa ekonomiya ng bansa.
Mababatid na pumalo pa sa 6.7 percent ang GDP growth noong fourth quarter ng 2019, at 5.6 percent naman sa first quarter ng nakalipas na taon.
Sa ngayon, aminado ang pamahalaan na hihina pa lalo ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan.
Kaya naman naghahanda na ang mga economic managers para sa technical recession o dalawang quarters na negative GDP growth.
Para mapahupa ang epekto ng pandemic sa ekonomiya ng bansa, isinabatas ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan nagbigay ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Bukod dito, inihahanda na rin sa ngayon ang economic recovery plan na gagamitin sa murang pautang sa mga negosyo upang matulungan na makabangon ang mga ito sa epekto ng COVID-19 crisis.