Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na kanyang hindi iminumungkahi sa mga indibidwal na naisyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO na lumabas muna ng bansa.
Ito ang kanyang sagot sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo hinggil sa pag-alis o paglabas ng bansa habang nagpapatuloy ang iba’t ibang mga imbestigasyon.
Mas mainam aniya na manatili na lamang muna sa loob ng Pilipinas ang mga inidibidwal na inisyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order upang hindi mapagsuspetyahan may planong tumakas.
Kanya itong ibinahagi kasunod nang pirmahan ang hiling ng Senate Blue Ribbon Committee at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na pag-iisyu ILBO.
Sa pinirmahan at inisyung ‘Immigration Lookout Bulletin Order’ ng Department of Justice, layon nitong mabantayan ang pag-alis o pagbalik man ng bansa sa mga indibidwal na nasa listahan.
Kabilang rito ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga kontratista.