-- Advertisements --
Kinondina ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang ginawang airstrike ng Russia sa gusali na pag-aari ng gobyerno sa Kyiv.
Nasa apat na katao ang nasawi sa insidente kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang siyam na palapag na gusali na matatagpuan sa Svyatoshynsky district.
Ito rin ang unang pagkakataon na tinamaan ang government building ng Kyiv.
Aabot sa siyam na missiles at 56 drones ang tumama sa 37 mga iba’t-ibang lugar.
Sinabi n Zelensky na ang airstrikes ay nagtala ng damyos sa mga lugar ng Zaporizhzhia, Kryvyi Rih, Odesa ganun din ang Sumy at Chernihiv regions.
Dagdag pa nito na nagpapakita na ayaw ng Russia na matapos ang giyera dahil sa patuloy ang ginagawang pag-atake.