-- Advertisements --

Pinarangalan si Carmelo Anthony sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong Sabado (araw sa Amerika), kasama ang mga basketball legends tulad nina Dwight Howard, Sue Bird, Maya Moore, at Sylvia Fowles.

“Pardon my language, but damn,” ani Anthony habang naiiyak.

Bagama’t hindi siya nagkampeon sa NBA, iginiit ni Anthony na alam niya ang halaga ng kanyang naiambag sa mga nakaraang laro.

Si Anthony at Howard ay bahagi rin ng 2008 U.S. Olympic “Redeem Team” na nag-uwi ng gintong medalya sa Beijing matapos mabigo sa mga naunang torneo. Sumama sila sa iba pang Hall of Famers na miyembro rin ng team tulad nina Kobe Bryant, Jason Kidd, Dwyane Wade, at Chris Bosh.

Kauna-unahan din ngayong taon na tatlong WNBA players—Bird, Moore, at Fowles ang sabay-sabay na nainduct.

Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ni Dwight Howard ang kanyang mga magulang, partikular ang kanyang ina na nakaranas ng pitong miscarriage bago siya isilang. Biro at inspirasyon ang laman ng kanyang speech, ngunit tinapos niya ito sa mensahe para sa kanyang mga anak:
“You only die once but you live every day.”

Samantala nakumpleto ang Hall of Fame class ng 2025 sa pamamagitan nina Billy Donovan (coach), Micky Arison (Miami Heat owner), at Danny Crawford (NBA referee).