IMG 20190919 144553 1

Aminado ang Department of Justice (DoJ) na malaking pasanin sa mga personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagsasagawa ng recomputation ng good conduct time allowance (GCTA) ng mga inmate na sumuko.

Ayon kay DoJ Usec. Markk Perete, posible kasing i-recompute din ang GCTA credits ng mga presong nasa piitan pa hindi lamang ang mga sumuko matapos ipag-utos ng Pangulong Duterte.

Kapag nangyari ito, asahang matagal ang recomputation ng libo-libong mga inmates na nabigyan na ng credits sa mga piitan.

Una rito, nagpaliwanag ang DoJ sa sobrang bilang ng mga sumukong inmates na nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA) Law kumpara sa mga nasa listahan na inilibas ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni Perete, nasa 2,009 ang bilang ng mga sumuko kumpara sa orihinal na nasa listahan ng BuCor na 1,914.

Lumubo raw ang bilang ng mga sumuko dahil maaring may mga napalayang inmates ang hindi naman sangkot sa heinous crimes.