Nagbabala ang GCash sa publiko laban sa mapanlinlang o illegal payment accounts, partikular sa mga may kaugnayan sa online gambling operators at iba pang ilegal na entities.
Iginiit ng financial technology company ang Zero Tolerance policy nito sa mga ilegal na gawain at binigyang-diin na wala itong kaugnayan sa mga gambling operator.
Sinabi nito na ang anumang grupo o website na nagsasabing kumakatawan sa GCash sa ganitong mga gawain ay nagmi-misrepresent sa brand o illegal na ginagamit ang platform nito.
“Illegal online gambling undermines financial integrity and public welfare. GCash has no links to illegal gambling operators. Anyone connecting our brand to these sites is either misrepresenting us or illegally using our platform,” sabi ni Oscar Enrico A. Reyes Jr., President and CEO ng G-Xchange Inc.
Idinagdag niya na nakikipagtulungan ang kompanya sa mga regulators at law enforcement agencies upang ipatigil ang mga ilegal na gawain at pangalagaan ang mga user nito.
Warning signs ng fake o illegal accounts:
Pinayuhan ng GCash ang mga customer na maging maingat sa:
• QR codes na ipinadala via random links, chat apps, o social media posts
• Mga alok na mistulang “too good to be true,” tulad ng gaming credits o quick-cash schemes
• Codes na walang official merchant name o logo
• Mga transaksiyon na nagpapakita ng personal name sa halip na beripikadong merchant
Inirerekomendang mga pag-iingat:
Hinikayat ng kompanya ang mga user na:
• Mag-scan ng QR codes mula lamang sa mga pinagkakatiwalaang merchants at billers
• Beripikahin ang payment details bago kumpirmahin ang mga transaksiyon
• I-report ang mga kaduda-dudang aktibidad sa pamamagitan ng in-app GCash Help Center, hotline 2882, o via the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Consumer Protection channels
Maaari ring iparating ang mga report direkta sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group via hotline (02) 8414-1560 / 0998-598-8116 o email messagecenter.acg@pnp.gov.ph.
Zero tolerance commitment:
Bilang bahagi ng kanilang enforcement measures, sinabi ng GCash na agad nitong bina-block at sinususpinde ang accounts na may kaugnayan sa illegal transactions, ipinagbabawal ang maling paggamit ng QR codes para sa ilegal na pagbabayad, at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa BSP, sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), at sa law enforcement agencies.
Magmula noong 2023, mahigit 57,000 phishing sites na ang ipinasara ng kompanya at iniulat ang 916 illegal online gambling sites sa mga awtoridad.
“GCash is committed to ensuring that Filipinos can transact with confidence and peace of mind. We will continue to strengthen our security systems and work closely with regulators and law enforcement to keep our platform safe,” ayon sa kompanya.