Coco and Venus
Coco and Venus

Muling tinalo ng 15-anyos tennis player Coco Gauff ang beteranang si Venus Williams sa first round ng Australian Open.

Nakuha ng American tennis player ang score na 7-6 at 6-3.

Sa unang set pa lamang ay naging agresibo na si Gauff at hindi na hinayaan pang makalusot pa ang 39-anyos na kapwa US tennis player.

Magugunitang tinalo ni Gauff si Williams sa paghaharap nila sa unang pagkakataon noong Wimbledon noong nakaraang taon.