Hong Kong Protesters
Hong Kong Protest

Mabenta ngayon sa Hong Kong ang mga gas mask, helmets at goggles.

Ito ay dahil sa patuloy na kilos protesta sa malaking bahagi ng Hong Kong.

Umaabot daw sa 30 hanggang 50 mga gas mask at helmet ang naibebenta ng ilang tindahan sa kada araw.

Maraming mga protesters ang bumibili ng nasabing protection gears bilang pananggalan sa mga tear gas na ibibato ng mga kapulisan.