NAGA CITY – Inamin ng isang Pinoy sa Toronto, Canada na posibleng magmahal pa ang presyo ng tickets para sa Game 2 ng NBA Finals na gaganapin sa balwarte ng Raptors.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Von Canton, na bunsod ito ng makasaysayang pagpasok ng Toronto Raptors sa finals kontra defending na Golden State Warriors.

Ayon sa Pinoy na tubong Camarines Sur, naglalaro na sa 1,000-dollars hanggang 60,000-dollars ang presyo ng seats ng Game 2.

Sa kabila nito hindi naman daw alintana ng mga taga-suporta ng koponan ang mahal ng ticket price.

Ito’y dahil na rin umano sa pagiging natatanging Canadian team ng Raptors sa buong NBA league.