Nakatakdang pulungin ng Games and Amusement Board (GAB) ang ilang mga professionals league sa bansa para pag-usapan ang health and safety protocols.

Kasunod ito ng pagpayag ng gobyerno na ituloy na ang kanilang training sessions.

Sinabi ni GAB chairman Baham Mitra, na pangunahing pupulungin nito ay ang Philippine Basketball Association (PBA) at ang Philippine Football League.

Tiniyak din nito na susundin nilang mahigpit ang naging kautusan na inilatag ng Inter-Agency Task Force.

Napili kasi ang Batangas sa lugar kung saan gaganapin ang mga trainings ng PBA.

Kailangan kasi muna na maaprubahan ng GAB ang protocols ng dalawang liga bago sila tuluyang payagan na makapagsimula ng mga trainings.