Kinumpirma na ni Tyson Fury na nais niyang makaharap si Anthony Joshua.

Ito sa kondisyon na hindi matuloy ang ikatlong paghaharap nila ni Deontay Wilder.

Sinabi ni 31-anyos na tinaguriang Gypsy King, na naisi niyang matuloy na rin ang tinaguriang “Fight of The Century” nila ng kapwa champion na si Joshua.

Hawak na ni Fury ang WBC heavyweight belt habang si Joshua ay hawak ang apat na IBO, IBF, WBA at WBO belt.

Magugunitang tatlong beses na pinatumba ni Fury si Wilder sa rematch nila at nakuha ang panalo.

Matapos ang panalo ay nagpamalas naman ng kaniyang pagkanta si Fury at kinanta ang American Pie ni Don McLean.