BACOLOD CITY – Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito.

Muaythai logo

Sa exlcusive interview ng Star FM Bacolod kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay sa mga atleta.

Dagdag pa ni Amandy na nakakatuwa dahil maging ang national athletes ay may kanya-kanya ring paraan upang makapag-training pa rin sa kabila ng mahirap na sitwasyon.

”Resourceful lang kung baga balik tayo sa sinauna na imbis na sumisipa tayo sa mga modern na mga punching bags, mga kicking shield, kicking pads sp nandoon sila sa mga puno. Sila yong gumagawa ng paraan kung ano yong mga ilalagay nila doon” pahayag ni Francis Amandy Asst. Sec. Gen. ng Philippine Muaythai.