-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Lt. Col. Percival Pineda, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) na may isang kasapi ng PNP na namatay noong Agosto 22 at ito ay positibo sa covid-19.

Ayon kay Pineda, ang nasabing pulis ay kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Banna.

Inihayag nito na nag pasyente ay fully vaccinated at sumasailalim sa dialysis at naniniwala na nahawa ang pulis sa mismong dialysis center.

Sinabi pa nito na nakipag-ugnayan na rin sila sa lokal na pamahalaan ng Banna para sa contact tracing matapos na may ilang kasapi ng pulisya na nagpositibo rin sa covid-19.

Nagbigay na tin ng tulong si Regional Director/Police Brig/Gen Emmanuel Peralta at Provincial Director Christoper Abrahano sa pamilya ng namatay na pulis.

Maliban dito ay mayroon ring ibinigay ng tulong ng PNP-region 1 at iba pang mga ahensya.

Samantala, dahil marami ang mga nagpositibong pulis sa bayan ng Banna ay nakalockdown ngayon ay istasyon ng pulisya.

Sa ngayon ay mayroong 93 active cases sa PNP dito sa lalawigan at 190 naman ang nakarekober.