Umabot na sa kabuuang 1,185,460 ang bilang ng mga indibidwal na natukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na apektado sa pananalasa ng bagyong Tino.
Ito ay katumbas ng 322, 488 pamilya mula sa 3,426 barangay.
Mula sa naturang bilang, mahigit 109,000 pamilya ang pansamantalang nakatira sa mahigit 4,000 evacuation center
Ang iba ay mas piniling makitira sa mga kaanak at kakilala. Ang iba rin sa mga ito ay piniling manatili muna sa labas ng mga evacuation center.
Ayon sa DSWD Disaster Response Management, malaking porsyento ng mga apektadong pamilya ay mula sa mga probinsiya sa Visayas habang mayroon ding apektado sa Luzon at Mindanao tulad ng mga residente sa Mimaropa, Calabarzon, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring isinasailalim sa assesment at validation ang mga nasirang kabahayan ngunit mayroon ng siyam na natukoy na totally damaged habang 33 ang partially damaged.
Nakapaghatid na rin ang ahensiya ng mahigit P66 million na halaga ng tulong sa mga biktima.
















