Pinaghahanda ngayon ng Pagasa ang lahat ng mga local government units (LGUs) sa lugar na posibleng tamaan ng mga pagbaha dahil pa rin sa banta ng La Nina.
Ayon sa Pagasa, nasa 75 percent daw kasi ang tiyansa na magkaroon ng La Nina dahil sa above rainfall condition sa bansa.
Maliban dito, dadami na rin daw kasi ang mga tropical cyclone activity sa bansa mula ngayong buwan hanggang sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Dahil dito, posibleng magkaroon ng masamang epekto sa bansa ang madalas na pagkakaroon ng bagyo at mga pag-ulan kaya naman ay dapat magkaroon na ang mga LGUs ng evacuation plans at evacuation centers na napapanatili pa rin ang physical distancing and health protocols
Kaya naman mainam na maghanda na ang mga LGUs sa bansa lalo na ang mga mabababang lugar na binabaha kapag nagkaroon ng bagyo o malalakas na pag-ulan.
Ang mga labis umanong maaapektuhan dito ang Eastern Luzon, Bicol region, Eastern Visayas, Mindanao.