Reading Time: 1 minute
bastille
Bastille Day parade

Gumamit ng tear gas ang mga kapulisan sa France para itaboy ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa Champs Elysees avenue.

Isinagawa nito ilang oras sa pormal na pagsisimula ng Bastille Day military parade.

Pinangunahan kasi ni French President Emmanuel Macron ang programa kasama ang ilang mga European leaders.

Sinubukan pa ng mga protesters na nakasuot ng “yellow vests” na okupahan ang maraming lugar.

Umaabot naman sa 152 mga “yellow vest” protesters ang ikinulong dahil sa kilos protesta.