Inihayag ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nag-isyu na umano ng ‘freeze order’ ang Anti-Money Laundering Council laban sa mga isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Remulla, ito’y kasunod ng pormal makapagsumite na ng ‘sworn affidavit’ si former DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara.
Kabilang sa mga inilagay sa ‘freeze order’ ng kanilang assets ay sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dating DPWH USec. Roberto Bernardo, dating Cong. Mitch Cajayon, at ex-DPWH Official Henry Alcantara.
Ito’y kaugnay sa rekomendasyon na rin ng National Bureau of Investigation na maihain na ang mga kasong kriminal sa mga nabanggit na indibidwal.
Ibinahagi rin ni Justice Secretary Remulla na ‘indirect bribery, at malversation of public funds’ ang inirerekomendang ihain ng NBI laban sa mga naturang umano’y sangkot sa kontrobersiya.