Target ng France ang nationwide COVID-19 vaccination campaign sa Enero.

Ito ay kapag-maaprubahan na ang virus shots.

Nababahala kasi ang gobyerno ng France sa milyong mga mamamayan nila sa hindi nila pagpayag sa nasabing bakuna.

Sinabi ni government spokesman Gabriel Attal na naghahanda na sila sa vaccination campaign kapag aprubado na ng European at national health authorities.

Magugunitang dalawang US companies ang nagpahayag na nasa mahigit 90% effective na ang kanilang bakuna laban sa coronavirus.