FRANCE MAP
-- Advertisements --

Niluwagan ng France ang kanilang COVID-19 international travel restrictions sa labas ng Europa.

Ayon sa foreign ministry ng France, na hindi na nila hihigpitan ang mga magtutungo at manggagaling sa mga bansang Australia, New Zealand, South Korea, Israel, Japan, Britain at Singapore.

Sinabi naman ni French Tourism Minister Jean-Baptiste Lemoyne na mahalaga ang pagpapaluwag ng travel restriction para makabalik na sigla ang kanilang turismo.

Mananatili naman ang ilang requirement gaya ng pagkakaroon ng negatibong COVID-19 test sa loob ng 72-oras bago bumiyahe.