-- Advertisements --
Nagpatupad ng partial lockdown ang ang France at Germany.
Magsisimula sa araw ng Biyernes ang apat na linggong lockdown sa France.
Sinabi ni French Prime Minister Emmanuel Macron, hindi pa sapat kasi ang ipinapatupad na paghihigpit kaya nararapat na magpatupad ng panibagong lockdown.
Kailangang makakuha ng certificates ang mga residente para sila ay makalabas ng kanilang bahay habang ang mga non-essential businesses gaya ng mga restaurants at bars ay isasara muna.
Bukas naman ang mga paaralan at opisina at papayagan din ang pagbisita sa mga care homes.
Magtatapos ang lockdown sa France hanggang Disyembre 1.
Habang ang lockdown sa Germany ay magsisimula sa araw ng Lunes na magtatapos ng hanggang dalawang linggo.