NAGA CITY – Nakatakdang ipatupad ang forced evacuation sa anim na bayan sa Camarines Sur na ikinokonsidera bilang high risk areas.
Ito’y bahagi ng paghahanda ng Bicol sa posibleng maging resulta ng pananalasa ng Bagyong Tisoy sakaling tumama na sa Kabikolan.
Sa naging pagtitipon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), tinukoy ng mga ito ang mga bayan ng Garchitorena, Caramoan, Siruma , Lagunoy, Buhi at Sangay na mga landslide at flood prone areas.
Sa data ng PDRRMC, nasa 149 barangay sa lalawigan ang pwedeng maapektuhan ng storm surge, 882 ang mga apektado ng pagbaha habang 262 barangay ang nasa landslide prone area.
Samantala, ipinatupad na ang “no sail policy” sa lalawigan at suspension of classes sa darating na Lunes, December 2.
Sa ngayon, naka activate narin ang provincial insident management team sa ibat-ibang lugar sa lalawigan.
Nabatid na ayon sa pagasa pagkatapos mag landfall sa cantanduanes sunod na tatahakin ng bagyong tisoy ang Partido area bago tumaas sa Camarines Norte.