Ipinag-utos ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 ang pag-aresto kay Arturo Lascañas, ang dating police officer na umaming miyembro ng Davao Death Squad, ang grupong itinuturong nasa likod ng extrajudicial killings noong nanunungkulan si dating Pang. Rodrigo Duterte.
Naglabas ang korte ng ilang warrant of arrest laban sa dating pulis dahil sa criminal charges na inihain laban sa kaniya tulad ng murder, attempted murder, at oline liber.
Sunod-sunod na lumabas ang warrant laban sa dating pulis kung saan para sa kaniyang kasong online liber, P48,000 ang bail na inirekomenda ng korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Sa 2 bilang ng attempted murder na kaniyang kinakaharap, inirekomenda ng korte ang bail na P120,000 sa bawat isa.
Wala namang piyansa sa kaniyang murder case.
Ang mga complainant sa murder at attempted murder cases ay kinabibilangan ng mga personnel sa Davao City Police Office, Bureau of Immigration, at National Bureau of Investigation.
Una nang napaulat ang paglabas ng akusado sa Pilipinas. Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng kaniyang biyahe ay upang magsilbing testigo sa kasong kinakakaharap ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Siya ay itinuturing bilang principal witness sa umano’y EJK na nangyari noong ipinatupad ni dating Pang. Duterte.