Nick Buoniconti
Nick Buoniconti

Pumanaw na ang sikat na Pro Football Hall of Famer Nick Buoniconti sa edad 78.

Ayon sa kampo nito matagal ng dumaranas ito ng sakit na dementia.

Taong 1962 ng kinuha siya ng Boston Patriots.

Nakilala ang pangalan nito mula 1969 hanggang 1976 sa Miami Dolphins.

Sa kaniyang paglalaro ay naging bahagi siya sa dalawang Super Bowl rings, nakagawa ng 2 Pro Bowls at 6-time AFL All Star.

Tinanghal siyang Hall of Fame noong 2001.