Hinihintay pa ng Philippine Football Federation (PFF) ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sila ay tuluyan ng makabalik sa paglalaro.

Ayon sa grupo, noon pang Mayo ay nagsumite na sila sa IATF ng mga protocols na ipapatupad sa pagbabalik ng mga laro.

Ang nasabing panuntunan ay naaayon din sa ipinapatupad na FIFA at World Health Organization.

Hindi pa kasi pinapayagan ang mga team sports sa Metro Manila dahil sa nananatili pa rin ito sa general community quarantine.