Patay ang 21-anyos na Spanish football coach na si Francisco Garcia dahil sa coronavirus.

Ang youth team coach ng Malaga-based club Atletico Portada Alta ay may dinaramdaman na kahalintulad ng isang leukemia.

Nadiskubre ang pagkakaroon niito ng coronavirus at pneumonia ng makaranas ito ng hirap sa paghinga.

Sinabi ng mga eksperto na kapag wala itong sakit na leukemia ay maaari pang tumagal ang buhay nito.

Nagpahayag naman ng labis na kalungkutan ang mga kasamahan nito sa koponan dahil sa pagpanaw ni Garcia.