-- Advertisements --

Nagkampeon sa French Open si Spanish tennis star Carlos Alcaraz.

Nalusutan nito ang world No. 1 na si Jannik Sinner sa score na4-6, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (3), 7-6 (2).

Umabot ng limang oras at 30 minuto at five set tie breaker ang laro para makamit ng 22-anyos na si Alcaraza ang kaniyang ika-limang major title.

Ito na aniya ang itinuturing na pangalawang pinakamatagal na grand slam final sa Open Ear at si Alcaraz din ang pang-anim na manlalaro na nakabangon sa dalawang set sa French Open.

Ang Spanish tennis star ay siyang pinakabatang manlalaro na nagwagi ng dalawang sunod na men’s singles titles sa Paris.