-- Advertisements --
Handa-handa na ang singer-songwriter na si Kitchie Nadal para sa kaniyang kauna-unahang solo concert.
Gaganapin ang kaniyang “Same Ground” concert sa darating na Hunyo 21 sa Araneta Coliseum.
Nitong nakaraang araw lamang ay dumating sa bansa ang singer para paghandaan ang konsiyerto.
Sinabi nito na kaniyang kakantahin ang mga classic na kanta gaya ng “Bulong”, “Same Ground”, “Huwag Na Huwag Mong Sasabihin” at maraming iba pa.
Dagdag pa nito na mahigit 20 taon sa musika ay ngayon lamang ito nagpasya na magsagawa ng solo concert.
Kasalukuyang naninirahan na ito sa Madrid, Spain kasama ang asawa at dalawang anak kung saan umuwi lamang sa Pilipinas para sa inaabangan konsyerto nito.