-- Advertisements --
Sugatan ang nasa 13 katao matapos ang pag-araro ng sasakyan sa mga tao sa labas ng stadium sa Spain.
Kasalukuyang nagkakaroon ng football match sa pagitan ng FC Barcelona at Espasnyol ng maganap ang insidente.
Ayon sa Catalan Police na isang aksidente ang pangyayari.
Agad namang naaresto ang driver ng sasakyan at hindi naman naapektuhan ang isinasagawang laro.
Dinal na sa iba’t-ibang pagamutan ang mga nasugatang biktima.