-- Advertisements --
Nakataas ngayon ang flood alert sa Bicol region, malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Dulot ito ng umiiral na low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 220 km sa timog kanluran ng Zamboanga City.
Sa kasalukuyan, maliit ang tyasa ng LPA na maging ganap na bagyo, ngunit patuloy pa rin itong magdadala ng mga pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.