Reading Time: 1 minute

Ikinokonsidera ngayon ng kapatid ng kilabot na drug trafficker at narcoterrorist na si Pablo Escobar na sampahan ng kaso si Tesla CEO Elon Musk.

Giit kasi ni Roberto Escobar, founder ng Escobar Inc., ninakaw umano ni Musk ang kanyang ideya para sa “Not A Flamethrower” product ng kompanya nitong The Boring Co.

Inihayag pa ni Escobar, tinangay umano ng kompanya ni Musk ang ideya matapos na bumisita ang isa sa mga engineers nito sa kanilang famili compound sa Medellin noong 2017.

Ani Escobar, posible niyang kasuhan ng intellectual property theft ang Tesla boss.

Buwelta naman ni Musk, hindi raw flamethrower ang ibinebenta nilang produkto.