-- Advertisements --

Itinanggi ng tech billionaire na si Elon Musk ang ulat ng New York Times na gumagamit umano siya ng ketamine at iba pang droga noong 2024 Presidential elections.

Sa isang post sa X (dating Twitter), mariing itinanggi ito ni Musk ang mga paratang laban sa kanya aniya, “To be clear, I am NOT taking drugs! The New York Times was lying their ass off.” Iginiit pa ni Musk na matagal na siyang hindi umiinom ng ketamine at ito ay nireseta lamang noon para sa kanyang mental health.

Una rito napuna rin ng publiko ang pasa sa mata ni Musk na nakita matapos ang kanyang pamamaalam bilang pinuno ng Department of Government Efficiency (DOGE), isang tanggapan na binuo sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

Paliwanag ni Musk, ang pasang natamo ay dulot ng aksidenteng nasuntok siya sa mukha ng kanyang anak na si ”X” habang sila ay nagbibiruan.

Nang tanungin naman si Trump ukol sa umano’y regular na paggamit ng droga ni Musk, ang sagot lamang nito ay, “I wasn’t (aware),” pero iginiit niyang pambihira ang personalidad ni Musk.

Nauna nang umamin si Musk na gumagamit ng ketamine sa ilalim ng reseta para labanan ang depresyon, at sinabing nakatulong ito sa kanyang pagiging malikhain.