-- Advertisements --

Nagbanta si U.S President Donald Trump na puputulin ang mga kontrata ng gobyerno sa mga kumpanya ni Elon Musk, habang tinawag naman ni Musk na dapat nang ma-impeach ang presidente.

Nagsimula ang alitan matapos batikusin ni Trump ang tech billionaire tungkol sa pagbagsak ng stock market ng electric vehicle ni Musk sa 14.3%, na nagresulta sa pagkawala ng $150 billion sa market value ng bansa.

Una nang konondena ni Musk na makakaapekto ang ang panukalang batas sa buwis at paggasta ni Trump na umano’y magpapalala sa utang ng bansa. Ngunit buwelta ni Trump, kaya nagagalit umano si Musk ay dahil aalisin ang tax credits para sa mga electric vehicle.

Sa kabilang banda nagbanta naman si Musk na i-decommission ang dragon spacecraft ng SpaceX ngunit kalaunan ay binawi niya ito matapos mapagsabihan ng mga kakilala sa industriya na maghinay-hinay muna.

Dagdag pa rito ang posibilidad na magtatag si Musk ng bagong partido sa pulitika matapos magpahayag ito ng pagkakaiba nila ng pinuno ng Amerika.