-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na tumutugma ang fingerprints ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral sa kanilang rekord, pati na rin sa police documentation, ayon kay NBI Director Angelito “Lito” Magno.

Ani Magno, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa kaso ni Cabral. Kasalukuyang sinusuri ng ahensya ang mga detalye sa rehiyon at ng homicide unit, at hinihintay ang mga karagdagang resulta. Plano rin ng NBI na isailalim sa polygraph si Cabral’s driver, Ricardo Hernandez, depende sa rekomendasyon ng nakatalagang agent.

Dagdag ni Magno, nakatuon na ang imbestigasyon sa mga flood control projects kung saan naiuugnay si Cabral, at hindi na sa eksaktong pangyayari ng kanyang pagkamatay. Natagpuan si Cabral noong Disyembre 18 sa ilalim ng 16.9-meter ravine habang iniimbestigahan ang umano’y anomalya sa DPWH projects. (report by Bombo Jai)